ehem. gusto ko lang magdrama ngunyan ta feel ko nanaman mgdrama pero the difference is that I'm not crying this time and it's kinda weird. Well, dakulun pa akong gibuhun, maadal pa ako, mabasa and many others pero before that ----- madrama muna ako. lol.
I'm now in the state of thinking....again. last akong nag-isip-isip yung "war days" pero ngayon nag-iisip-isip nanaman ako ---- bakit?
By "isip-isip" usually i'd like to do that alone, analyze the situation and come up with a solution. I have matured now, hindi na ako iyakin, kahit gustohin ko man umeksena pag alas dose ng hapon ay hindi ko na kya.
I am now full of wisdom, marunon na akong lumaban, natuto na rin akong ipahayag ang sarili kong saloobin nang hindi nasasapawan ng opinyon ng iba, kaya nga opinyon di ba? ibig sabihin AKIN 'YON, kung hahaluan ng opinyon mo, hindi ko na pag-aari yung opinyong iyon, sa'yo na yun, anu ako shunga? opinyon mo opinyon ko rin? yun siguro yung mga pagkakamali ko nung simula pa lamang. Maxado kasi akong mabait, kaya hayun, nawala yung pagkatao ko.
Pero ngayon iba na. Ibang iba. kapag binangga mo ako, mumurahin kita. kapag tinarayan mo ako, mumurahin pa rin kita. sabihin mo nang masama ako pero sino ba ang nagsimula? Hindi na ako mabait tulad ng dati, mabait pa naman pero nasa tama na. Mabilis na akong magalit pero sa kalmadong paraan.
Nagkamali na ako't nasaktan. Hindi ko na uulitin 'yon. why would I make the same mistake twice? shunga-shunga lang? Hindi ako bobo, nalaman kong may utak ako at dapat ko itong gamitin kontra puso.
Naiinis ako sa mga nagsasabing nagbago na ako. I didn't change, you just didn't know me.
Marunon na rin pala akong magdesisyon para sa aking sarili, kaya I don't need people to dictate me what I should or should not do. At mas lalong hindi ko kailangan ng mga taong tuturuan ako kung ano ang tama at mali. Sa tingin ko may sarili naman akong utak at kung magkamali man ako hindi na 'yon problema ng ibang tao, pakialamera lang?
Kinasusuklaman ko rin ang mga judgemental people. aaminin ko, minsan na akong naging judgemental at kung ibabato mo sa akin ang "noon" ko ----- kaya nga nagbabago na di ba? Sa mga taong mapaghusga, ito lang ang masasabi ko bukod sa "fuck you" ---- I wasn't born to impress you.
Bukod rin sa judgemental people, kinamumuhian ko rin ang mga tinatawag kong "Hasty generalization people" kasi naman kaunting pagkakamali, hayun, alam niya na "daw" buhay mo, bitch lang eh. Ito lang ang masasabi ko sa mga taong ito bukod sa "Mas fuck you ka" ------- Ikaw na ata ang pinakababaw na taong nakilala ko, lahat na lang? anu ba! nag-mini shorts lang flirt na? nakipagkaibigan lang sa iba via chat flirt na? nagcompliment lang flirt na? sumayaw lang flirt na? Marami lang nagagwapuhan flirt na? porke ba hindi ako stick-to-one sa crush flirt na? naghahang-out lang sa boys flirt na? nag-a-accept lang ng hindi kakilala sa FB flirt na? anu 'to PBB teens? shunga ka ba?
kung iyan lang naman ang pinagbabasehan mo ng pagkatao ng isang tao: FUCK YOU PO FROM THE BOTTOM OF MY HEART. Maaari bang idefine mo muna ang flirt bago mo ito ibato sa akin o sa ibang tao? Oh-em ito pa pala, hindi ko tlga alam ang ginawa ko pero mayabang na ako agad-agad? Hindi ba sila tinuruan ng nanay nila na huwag pakialaman ang buhay ng may buhay?
^ito po pala ang summarized version ng mga ayaw ko sa tao. Ito yung mga taong gusto kong isubsob sa inidoro. kung ikaw ay ganito ay lumayu-layo ka sa paningin ko.
In short ay huwag na lamang pakialaman ang aking buhay, may buhay ka rin naman ah, iyan kaya muna asikasuhin mo.
Hindi ako mahina, kung physically ---- isa akong athleta, malakas, maliksi, kung ako ang tatanungin halos lahat ng sports nasalihan ko na ----- swimming,basketball,badminton,soccer,kickbaseball,baseball,volleyball,golf,sipa,tumbang preso,ki-ki,chinese garter, at iba pang mga sports. Hindi madali pero ginawa ko ito, naging matapang ako para subukan ang mga ito, at ang aking mga sugat ang bakas ng aking pagkatuto. kung emosyonal naman, oo, maaaring nagiging mahina ako, pero nagagawa lang naman ito ng mga taong mahal kong totoo sa mga taong walang saysay sa 'kin ay mabilis ko namang namumura.
Kung mapapansin hindi naman ako ngdadrama. ngpapahayag lamang ako ng saloobin ---- isang opinyon. Mga salita ko. kung hindi mo gusto ang mga nabasa mo ay wala akong pakialam. Kaya nga opinyon di ba? Hindi mo kailanman maitatama ang isang opinyon sa isa pang opinyon. Shunga-shunga ang taong gagawa noon.
Hahaha. joke. Ako pa rin naman si Reina, yung "sweet" daw. minsan naiirita ako kapag sinasabihan akong sweet kasi minsan hindi kapani-paniwala. Masayahin talaga ako, depende na lamang kung malungkot ang mood. Kapag emo ako ay kausapin lang ako ng kausapin kasi kapag walang kumakausap sa akin ako ay ----- wala naman. Naha-hyper rin ako, at kapag nangyari ito huwag ka nang mabigla sa mga ginagawa at kaya kong gawin, kaya nga hyper eh.
Intro palang ito sa kasalukuyan kong pinag-iisip-isipan. Mabigat ito kaya hindi kaya sa isang upuan lang. :))))))))